Santo Papa, ilang araw mananatili sa ospital matapos ang matagumpay na abdominal surgery

Mananatili ng ilang araw sa ospital si Pope Francis matapos ang ang matagumpay na abdominal surgery sa isang ospital sa Roma.

Sinabi ni Dr. Sergio Alfieri, ang doktor na nag-opera sa Santo Papa, aabutin pa ng lima hanggang pitong araw bago tuluyang maka-rekober matapos ang operasyon noong Miyerkules.

Sinabi ng doktor na nagbiro pa ang Santo Papa nang magising matapos turukan ng general anesthetic.

Kapag tuluyan nang gumaling ang Santo Papa, wala ng limitasyon ito sa kanyang ang mga aktibidad at pagbiyahe sa ibat ibang bansa.

Ang 86-anyos na Santo Papa ay una nang naoperahan sa colon noong 2021 kung saan kinailangan din niyang mamalagi sa wheelchair dahil sa sakit sa tuhod.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *