Santo Papa, nagpaabot ng pakikiramay sa mga Pilipino para sa pagpanay ni PNOY

Nakiramay si Pope Francis sa mga Pilipino matapos ang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ibinahagi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mensahe ni Pope Francis na makikita sa kaniyang sulat para kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay sinabi na ikinalulungkot niya na marinig ang tungkol sa pagpanaw ni Aquino.

Ayon sa Santo Papa, sa pag-alala sa serbisyo ng yumaong pangulo sa bansa, ay nais niyang ipagdasal na makarating ang kaluluwa nito sa kamay ng mapagpatawad na Panginoon.

Matatandaan na naihatid na si Aquino sa huli nitong hantungan sa tabi ng libingan ng kaniyang mga magulang, na sina dating pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Magugunita na bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 at nakausap si Aquino, na nakiisa naman sa milyon-milyong mga Pilipino na nakasaksi sa Pope’s Mass sa Quirino Grandstand.

Noong December 2015 naman ay nakipagkita muli si Aquino kay Pope Francis sa Vatican para pag-usapan ang peace process sa Mindanao at climate crisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *