Sapat na kaalaman sa Family Planning, lubhang mahalaga sa gitna ng krisis ngayong panahon—DOH Sorsogon

SORSOGON CITY—Sa pagpasok ng buwan ng Agosto na kilala rin bilang Family Planning Month, binigyang-diin ng Department of Health (DOH) Sorsogon ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.

Ayon kay DOH-Sorsogon head Dra. Gladys Escote sa panahon ngayon na nakakaranas ng krisis ang karamihan dahil sa pandemya at mga kalamidad, importante ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng bawat mag-asawa o maglive-in partners sa tama at ligtas na pagpaplano ng pamilya.

Mahalaga anyang alam ng mga ito ang kagandahan ng plinanong mga anak.

Kaugnay nito, hinihikayat ng ahensya ang bawat pamilya na magfamily planning para sa ligtas at malusog na pamilya.

Importante umano na nagtatanong sa pinakamalapit na Health Center ng Family Planning Method na naaangkop sa mag-asawa o nagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *