Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 na sapat ang mga inihandang family food packs at non-food items sa oras na kailanganin ng mga posibleng maapektuhan ng bagyo.
Ayon sa DSWD RFO2, kabuoang P125,923,448.44 na standby funds at stockpile mayroon ang ahensya. Mula sa naturang halaga ay P46.7 milyon ang halaga ng 74,183 na mga nakahandang family food packs habang P37.2 milyon pesos ang halaga ng 13,699 na non-food items.
Kaugnay dito ay naihatid na kahapoon ng DSWD katuwang ang 5th Infantry Division, Philippine Army, Joint Task Force TALA, Philippine Coast Guard, Civil Aviation Authority of the Philippines-Tuguegarao at Office of Civil Defense Region 2 ang 850 Family Food Packs sa probinsya ng Batanes.
Inihatid ang nasabing mga food packs sa pamamagitan ng C-130 aircraft ng Tactical Operations Group 2, Philippine Air Force.