Sapawan sa biyahe, tinitingnang anggulo sa Laurel, Batangas terminal blast

Ang pagsapaw ng mga modern jeepney sa mga jeep sa daan ang isa sa posibleng motibo ng suspek sa paghagis ng granada sa Magnificat Transport Terminal Station sa Laurel, Batangas kaninang 3:30 ng umaga.

Ito ang sinabi sa Brigada Batangas ni PMajor Francisco Luceña IV, hepe ng Laurel Municipal Police Station, kaugnay sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog.

Ayon kay Luceña, isa lamang ito sa kanilang tinututukan batay sa pahayag ng mga empleyado at drayber ng kumpanya.

Sa ngayon ay wala pa silang pagkakakilanlan sa suspek at nagpapatuloy ang kanilang backtracking sa kuha ng CCTV sa lugar.

Benebiripika na rin nila ang pahayag ng nakasaksi na isang nakasakay umano sa motorsiklo ang naghagis ng granada.

Nabatid na siyam na mga modern jeepney ng kumpanya ang nagtamo ng minor damage dahil sa pagsabog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng naturang himpilan sa pamunuan ng Magnificat para sa dagdag na impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *