Itutuloy na ngayong araw ang search and rescue operation sa nawawalang MEDEVAC helicopter sa karagatan ng Balabac, Palawan.
Kabilang sa SAR team ang Philippine Airforce, Coast guard, ayon kay kay Jasper Ivan Iturriaga na kaibigan ng piloto ng missing chopper.
Target isagawa sa posibleng crash site ang sonar imaging survey kapag bumuti ang lagay ng panahon sa karagatan.
Lulan ng nawawalang air ambulance ng PAMAS sina Daniel lui Pilot), Janelle adler (Nurse), Kahirunniza Hamja Alpha (Patient), Mr. Abbas Sahibad Alpha at si Ms. Surga Hamja
Kung matatandaa, March 1, 2023 nang mapaulat na missing ang aircraft mula sa Isla ng Mangsee, Balabac para sana maghatid ng pasyente sa bayan ng Brookes Point noong araw na iyon.