Sara Duterte as DepEd Sec – aprub sa political analyst

Pabor ang isang political analyst sa planong pagtatalaga kay presumptive Vice-President Sarah Duterto sa posisyon ng pagiging secretary ng Department of Education.

Sa panayam ng Brigada NewsFM, sinabi ni Prof. Clarita Carlos na naniniwala siya sa kakayanan ng naturang presumptive Vice-President dahil sa halos ilang taon na pagiging public official nito.

Naniniwala rin si Carlos na hindi naman kinakailangang maging isang educator para pamunuan ang Kagawaran ng Edukasyon.

Ang pinaka-mahalaga aniya ay ang mga ipatutulad na polisiya ng isang kalihim sa oras na pamunuan na nito ang isang tanggapan.

Sa ngayon, pina-alalahanan naman ni Prof. Carlos ang lahat na tanggapin na ang kinalabasan o ang naging resulta ng eleksyon.(ARIS DE SILVA)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.