Sardine beaching sa Mandaon, Masbate, hindi dahil sa lindol

Ang pagsadsad ng mga lamang dagat sa dalampasigan ay hindi dahil sa naranasang mga pagyanig sa Masbate, ito ang binigyan diin ng chief ng Marine Fisheries Resource Mngt Section ng BFAR-Bicol na si Nonie Enolva sa pahayag sa Brigada News Sorsogon.

Marami umanong dahilan, katulad na lamang ng biglaang water physicochemical changes, puwede din dahil sa oxygen depletion o kaya naman ay inclement weather o sama ng panahon.

Ayon naman sa BFAR Bicol, kasalukuyang pinapatupad din sa ibang bahagi ng bansa ang implementasyon ng ‘fishing closure’ na nakatutulong sa pagrekober ng populasyon ng sardinas.

Ang regulasyon na ito ay naging mahalaga sa pagbawi ng stock ng isda sa Visayan Sea.

Mayroon umanong mataas na pangyayari ng sardine beaching sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang mga regulasyon at mahalagang tandaan na peak season din ng sardinas sa kasalukuyan.

Kung babalikan, laking gulat ng mga residente ng Sitio Looban sa Brgy Poblacion sa dami ng isda na tumambad sa kanila sa dalampasigan, umaga noong Miyerkules, Pebrero 22. Kinilala ang isda bilang juvenile herrings o tinatawag na ‘Lupoy’ sa Masbate.

Ayon kasi sa mga komento ng mga residente at komento sa social media, marahil ay dahil sa dumanas ng malaks na lindol at ilang beses na aftershocks ang lalawigan, kung kayat nabulabog ang mga isda sa ilalim ng karagatan.

Ayon sa BFAR, nasa humigit-kumulang tatlong tonelada ang dami ng ‘Lupoy’ na sumadsad sa nasabing dalampasigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *