Sasakyang nasunog, iniimbestigahan kung ito ang ginamit ng mga suspek sa pananambang sa Nueva Vizcaya

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa natagpuang sunog na sasakyan sa Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, iniimbestigahan kung ang natagpuang sunog na Mitsubishi Adventure na walang plate number ang ginamit sa pananambang sa pagpatay sa bise alkalde ng Aparri sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang Solano Police Station mula sa Kapitan ng Barangay Uddiawan hinggil sa natagpuang sunog na sasakyan sa kanilang lugar.

Agad naman itong nirespondehan ng PNP katuwang ang BFP ngunit tinupok na ng apoy ang sasakyan nang makarating ang mga ito at base sa salaysay umano ng mga residente ay nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril.

Sa nagyon ay patuloy ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan kung saan unang natukoy na kulay puting Mitsubishi Adventure na may plakang SFN 713 ang ginamit ng mga suspek sa pananambang sa isang bise alkalde kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *