Satellite Registration sa Naga City, pansamantalang ititigil ngayong Hulyo

NAGA CITY – Pansamantala ititigil ng Commission on Elections Naga ang pagsasagawa ng satellite registration sa bawat barangay upang makapaghanda sa gagawing Election Registration Board Hearing sa Hulyo 15 hanggang Hulyo 18, 2024.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Atty. Maico Julia Jr., Election Officer III ng COMELEC Naga, tanging ang satellite registration lamang ang kanilang pansamantalang ititigil ngunit patuloy pa naman ang pagtanggap nila ng mga nais magparehistro sa kanilang opisina. Ang mga registrants mula Abril hanggang Hunyo ang siyang makakasama sa hearing habang sa ang hearing naman sa mga nagparehistro at magpaparehistro naman ngayong Hulyo hanggang Setyembre ay gaganapin sa Oktubre.

Agad naman silang magreresume ng satellite registrations sa bawat barangay sa Agosto upang muling mahikayat ang mga residente na magparehistro at matugunan ang kanilang gampanin at karapatan na makapagboto.

Nasa mahigit 4,600 ang isasalang sa ERB at umaasa ang komisyon na mas dadami pa ito pagdating ng Agosto hanggang sa matapos ang pagpaparehistro sa Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *