“Saud” sa bayan ng Camalig, Albay, opisyal nang ibinalik

LEGAZPI CITY – Opisyal nang ibinalik ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay sa pangunguna ni Mayor Caloy Baldo, Albay ang “saud” matapos itong pansamantalang isara dahil sa pandemya.

Ito ay isa sa mga inaabangang bubuksan para sa mga nagtitinda at mga market-goers matapos ang halos tatlong taong paghihintay at isa ngayong hudyat sa muling pag-angat ng ekonomiya sa nasabing bayan.

Nang nagbukas ito, nakaalerto ang himpilan ng pulisya ng Camalig upang tiyakin ang kaligtasan, kapayapaan at kaayusan ng publiko, maging ang kalinisan sa piling mga lugar.

Kung babalikan, isa ang “saud” sa mga isinara pansamantala dahil sa pandemya noong taong 2020 na nag-iwan ng malaking kawalan para sa mga nagtitinda at mamimili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *