Saudi authorities nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news

Binalaan ng Saudi authorities ang kanilang mga mamamayan na mahaharap sa limang taong pagkakakulong at multa ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng mga walang basehang tsismis.

Kasunod ito ng mga kumalat na balita na ilang kabataang babae ang biktima ng sexual harassment habang pauwi mula sa nakanselang concert sa Riyadh.

Matatandaan na nakansela ang inaabangan sanang concert ng K-Pop band na Stray Kids noong Enero 14 dahil sa malakas na hangin.

Pagkatapos nito ay naglutangan sa social media ang mga balitang may mga babaeng nawawala at ang iba ay biktima ng sexual harassment na nagresulta ng panic sa ilan.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung totoo ang mga balita bagamat ilang mga nasa concert venue ang nagsabi na walang katotohanan ang mga nasabing balita at naging maayos ang pag-handle ng mga organizers .

Kumbinsido naman ang marami na ang mga larawang lumabas sa social media na mayroong mga binabastos na babae ay random na kinuha sa mga social media accounts at hindi sa mga kabataang nagmula sa nakanselang concert.

Ganito din ang paniniwala ng head ng Saudi Entertainment Authority na si Turki al-Sheikh na gawa-gawa lamang ang mga nasabing post sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *