Saudi King nagdeklara ng holiday kasunod ng upset win vs Argentina sa FIFA World Cup

Nagdeklara si Saudi King Salman ng national holiday matapos manalo ng football team ng bansa sa FIFA World Cup kontra Argentina noong Martes.

Ipinag-utos ng hari na gaganapin ang holiday sa miyerkules para sa lahat ng empleyado ng public at private sectors, gayun din ang mga estudyante sa lahat ng antas.

Ang idineklarang holiday ay naganap sa kalagitnaan ng exams sa gulf nation, dahilan upang ito ay i-reschedule.

Maagang nakamit ng Saudi Green Falcons ang pagkapanalo matapos makagawa ng penalty si Lionel Messi, na siyang ikinagulat ng buong World Cup.

Ang selebrasyon ay nakita sa capital riyadh matapos ang final whistle, kasama ang mga fans na nagsayawan at nagwagayway ng national flag mula sa mga bintana ng mga sasakyan. (SHEILA MATIBAG)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *