CAMARINES NORTE – Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa pagnanais ng Camarines Norte State College (CNSC) na magbukas ng Doctor of Medicine at iba pang related o allied fields.
Kaugnay nito, inirekomenda ng Committee on Education ng naturang konseho na magpasa ng resolusyon na sumusuporta sa pagnanais na ito ng nag iisang SUC sa lalawigan.
Inirekomenda ang pagpasa ng resolusyon sa regular na sesyon ng naturang konseho kahapon.
Matatandaan na sa sulat ni CNSC President Dr. Marlo De la Cruz, plano nilang ilagay ang medical courses sa CNSC Labo Campus sa Barangay Talobatib sa bayan ng Labo.
Sabi sa sulat isa ang COVID- 19 pandemic sa pinakamalalaking hamon na hinarap at nagpabago sa buhay, pangangailangan at prioridad ng marami.
Dahil dito itinuturing umano ng eskwelahan na ang usaping pangkalusugan ay may higit ngayong importansiya.
At upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad sa mga health workers ay kinakailangang mag- initiate ang mga eskwelahan sa pag- produce ng tinatawag na “value- laden” at competitive graduates sa larangan ng medisina.
