Pinamamadali na ni Municipal Councilor Victor Colili ang National Commission on Indigenous People NCIP Palawan na isilbi ang Cease and Desist Order laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation sa Brookes Point.
Ayon kay SB Colili na isang Anti- Mining Advocate, may signal na si NCIP Director Pascua sa Provincial Field Office nito kaya dapat agad na ipatupad ang CDO para matigil ang Nickel Ore mining ng minahan.
Dagdag ng lokal na mambabatas, hindi na dapat maghintay ng βgo signalβ ang NCIP Palawan kung kailan ito ipatutupad.
Iginiit pa ng Chairman ng Committee on Environment na dapat na tanggapin na lang muna ng NCIP ang anumang apela ng mining company tungkol sa pagpapahinto sa kanilang operasyon ngunit dapat ipatupad na ang naunang kautusan.
Gayunman, umaasa si SB Colili na maayos na tatalima ang mining company sa oras na matanggap nito ang kautusan.