SBMA CHAD Pinasalamatan ang 8-man team na ipinadala sa Turkey

Pinasalamatan ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Rolen Paulino Sr. ang 8-man team ng Fire Department na ipinadala sa Turkey.

Ang mga ito ay kabilang sa team ng Pilipinas na pumunta sa nabanggit na bansa kamakailan para tumulong sa urban search and rescue matapos ang malakas na lindol na kumitil na ng libu-libong buhay.

Ayon kay Paulino, nagbibigay naman ng update sa kanya ang grupo sa ilalim ng pamumuno ni Fire Dept. Chief Ranny Magno.

Sa ngayon ay tulong-tulong ang mga rescue teams ng iba’t ibang bansa sa Turkey at Syria sa paghahanap sa iba pang mga nawawala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Rolen Paulino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *