SBMA magbubukas ng coral garden nursery at pawikan preservation site

Lumagda sa kasunduan ang Subic Bay Metropolitan Authority at ilang mga stakeholders nito para sa pagkakaroon ng coral garden nursery at pawikan preservation site.

Ito ay para tuloy-tuloy na mapangalagaan at mapanatili ang balanseng eco-system na makakatulong rin maging sa industriya ng turismo.

Ang isang katuwang ng SBMA na Brighterday Subic Ltd. Inc, ang siyang magmomonitor ng mga pawikan at magsasagawa ng coral augmentation alinsunod na rin sa nakasaad sa Memorandum of Agreement.

Ayon sa kompanya, mula ng sila ay magbukas noong 2012 ay nasa walong libong pawikan na ang kanilang napapakawalan para makabalik sa natural habitat ng mga ito.

Samantala, magkakatuwang sa nasabing proyekto ang DENR’s Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), PNP Regional Maritime Unit 3, Brighterday Subic Ltd. Inc., at Sangkalikasan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published.