Bukas pa rin si Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios kina Kai Sotto at Japeth Aguilar kung sakaling biglang maging available ang dalawang manlalaro sa ikaanim na window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers na naka-schedule sa February 24 at 27.
Sinabi ni Reyes na nagpaalam si Sotto na hindi muna ito makalalaro sa pagkakataong ito. Wala rin si Japeth Aguilar na nagtamo ng MCL sprain sa tuhod noong nakaraang linggo.
Nakatakdang makalaban ng Gilas ang Lebanon sa Feb, 24, bago lalaban sa Jordan sa Pebrero 27. Ang dalawang laro ay gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Maiiwan ang pasanin sa big man role kina six-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Raymond Almazan ng Meralco Bolts at Mason Amos.
Nariyan din si naturalized player Justin Brownlee na makakatulong ng malaki sa Gilas squad.
Hangad ng Gilas na makabawi sa Lebanon matapos matalo sa fourth window noong nakaraang taon sa iskor na 81-85.//CA
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…