SBP, planong palaruin si Justin Brownlee sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia

Ipinauubaya na ng Samahan Basketbol ng Pilipinas sa Gilas Pilipinas ang desisyon kung palalaruin ang naturalize player prospect na si Justin Brownlee sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia bukod sa 6th window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin dito sa bansa.

Inamin ni SBP president Al Panlilio ang posibilidad ng paglalaro ni Brownlee o di kaya ay si Ange Kouame.

Hindi pa opisyal na naturalized player ng Gilas si Brownlee subalit napipisil na umabot ito sa Window 6 sa Pebrero na gaganapin sa Philippine Arena at sa SEA Games sa Cambodia sa Mayo.

Matatandaang ay pasado na sa ikatlo’t huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill No. 6224 para maging Filipino citizen ang Barangay Ginebra resident import na si Brownlee sa pamamagitan ng naturalization.

Sunod na dadaan si Brownlee sa proseso ng Senado matapos ang inisyal na approval ng Senate Bill 1336.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *