SBP, target ang record-breaking attendance sa FIBA World Cup

Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ma-break ang attendance records sa oras na maghost ito sa FIBA World Cup of Basketball sa unang pagkakataon sa loob ng nakalipas na 45 taon, sa August 25 hanggangs September 10, 2023..

Nabatid na ang Pilipinas ay magiging host sa karamihan ng laro, kabilang na ang final phase ng tournament na gagawin sa 55,000-seater Philippine Arena, na kaparehong venue kung saan nagtakda ng attendance record ang PBA.

Mababatid na sa Game 7 ng 2017 Governors Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco naipwesto ang record para sa maraming bilang ng mga nanunuod sa PBA game sa 54,086 fans.

Ayon sa liga, 36,000-plus na attendance sa FIBA game ang nais nilang maitala.

Sinasabing kabuoang 92 games ang World Cup sa susunod na taon, na dadaluhan ng 32 teams, kung saan 20 games each ang gagawin sa Jakarta, Indonesia at Okinawa, Japan at 20 games each saSmart Araneta Coliseum at sa Mall of Asia Arena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *