SC, naglabas ng writ of amparo para sa 2 nawawalang aktibista sa Tarlac

Naglabas ang Supreme Court (SC) ng writ of amparo para sa dalawang babaeng aktibistang ilang buwan nang nawawala matapos umanong makatanggap ng banta mula sa uniformed personnel.

Sa ilalim ng writ of amparo, sinasabing ang mga militar at police officials ay kailangang tumugon upang mapatunayan na wala itong nalabag sa right of life, liberty, at seguridad ng mga peasant organizers na sina Ma. Elena “Cha” Pampoza at Elgene “Leleng” Mungcal.

Ang mga tinutukoy sa writ of amparo ay sina AFP chief Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at PNP chief PGen Rodolfo Azurin.

Kapag nagbigay ng tugon, inaasahan din sa mga naturang opisyal ang detalyadong ulat tungkol sa kung ano ang ginawa ng mga ito.

Samantala, ginarantiya naman ng SC ang temporary protection order na nagbabawal sa mga opisyal na makalapit nang one-kilometer radius sa anak ni Pampoza, na siya ring naghain ng petition para sa writ of amparo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *