Scammers nakakalusot pa rin sa SIM registration Act, ayon sa DICT

Aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakakalusot at nakakapanloko pa rin ang scammers sa kabila ng ipinatupad na SIM card registration law.

Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, iniimbestigahan ng ahensya ang umiiral na panloloko sa text message.

Dagdag pa ni Uy, alam na ng tanggapan ang paraan ng mga scammers upang mag-preregister ng napakaraming mga sim cards.

Kabilang na rito ang paglipat nila sa mga messaging app na hindi kailangan ng SIM number para makapag-log in at talamak din ang ilang indibidwal na nagbebenta ng kanilang registered SIM.

Sinabi rin ng DICT Secretary na dumami ang nalulusutan ng sistema gamit ang pekeng ID o credentials; bagay na napatunayan ng National Bureau of Investigation (NBI) nang magrehistro ng pekeng Identification (ID) card gamit ang litrato ng nakangiting unggoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *