Scarlet Snow Bello, opisyal nang nakapagtapos mula sa preschool

Opisyal nang nakapagtapos si Scarlet Snow Belo mula sa preschool.

Sa Instagram account ni Scarlet Snow ay makikita ang kanyang litrato na may suot na toga.

Mababasa naman sa caption ng 6-year old influencer ang sinabi nito na: “Pre-school was so much fun. I started so small but now I’m bigger and I know a lot more,”

Nagpasalamat naman si Scarlet sa kanyang “loving teachers” na ayon sa kanya ay nagpamalas ng mahabang pasensya para sa kanya.

Ipinunto ni Scarlet na laging tinitiyak ng kanyang teachers na nauunawaan niya ang lahat ng kanilang mga leksyon.

Mababatid na si Scarlet Snow ay ang anak ng celebrity dermatologist na si Vicki Belo at Hayden Kho. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *