Scholarship caravan ng DA RO2, isasagawa sa isang mall sa Tuguegarao

Magsasagawa ng scholarship Caravan ang Department of Agriculture RO2 katuwang ang Regional Management Committee 02 sa isang mall sa Tuguegarao City sa darating na July 16, 2024 na magsisimula ng Alas-Diyes ng umaga.

Sa pamamagitan ng Scholarship Grant matutulungan ang mga estudyanteng papasok bilang 1st year College na may kinalaman sa kursong agrikultura at Fisheries.

Umaasa rin ang kagawaran na maraming mahihimok na estudyante ang papasok sa industriya ng Agrikultura upang lalo pang mapayaman ang ekonomiya ng bansa.

Samantala, inaanyayahan din ang mga interesado na magregister gamit ang QR code na matatagpuan sa kanilang Facebook Page na DA RO2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *