Bukas na muli ang scholarship program ng Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources para sa mga estudyanteng anak ng mangingisda.
Ito ay upang makabawas sa gastusin ang mga magulang sa pag-aaral ng mga anak at makatulong sa mga estudyanteng walang panustos sa edukasyon na makatapos at makamit ang kanilang pangarap.
Ayon kay BFAR Zambales Officer Neil Encinares inumpisahan ang pagbubukas ng scholarship program nakarang June na tatagal hanggang September 30 habang ang eksaminasyon ay sa November 6 ng kasalukuyang taon na gagawin sa Provincial Office ng BFAR.
Ang matatanggap ay magkakaroon ng allowance na 5-thousand mula sa ahensiya, book allowance, ojt support, thesis allowance at graduation support.
Aabot naman ng higit dalawampung libo ang matatanggap ng estudyanteng makakapasa sa scholarship grant ng BFAR.//Russell Banawa-BNFM IBA