Scholarship program para sa OFW dependents, posibleng magbukas na sa Hunyo ngayong taon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) Bicol na mayroon silang scholarship slots/program para sa mga OFW dependents na posibleng magbubukas sa darating na Hunyo o sa huling linggo ng Mayo ngayong taon.

Ayon kay OWWA Bicol Spokesperson, Via Dometita, bukas umano ito sa lahat ng mga dependents basta’t ang OFW ay mayroong active membership sa kanilang ahensiya.

Aniya, ang scholarship program na ito ay maaari sa lahat ng mga pamantasan sa bansa sa parehong pribado at pampubliko.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa umano nila kung gagawing online ang aplikasyon upang mas maging madali para sa lahat.

Maliban dito, sinabi rin ni Dometita na existing pa rin ang lahat ng mga regular na programa ng OWWA para sa mga OFW na hindi nakapagtapos sa kanilang kontrata sa ibang bansa, kung saan maximum to PHP20,000 ang livelihood grant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *