SDO Camarines Norte magsasagawa ng 2 – day remote session on mental health para sa mga learners, Teaching and Non- teaching personnel sa Hulyo

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) dito sa lalawigan ng Camarines Norte ng remote session on Mental Health and Psychosocial support Services (MHPPS) para sa Teaching and Non- Teaching Personnel gayundin sa mga learners sa July 1- 2 ng taong kasalukuyan.

Batay sa ipinalabas na Memorandum ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo, ang unang araw ng MHPSS ay para sa mga learners via SDO- CN remote PFA activity facebook page.

Habang ang ikalawang araw ay para naman sa Teaching and Non- teaching personnel sa pamamagitan  ng DEPED Cam. Norte Ok sa DepEd Programs and projects facebook page.

Ayon kay Guemo, malaki ang impact ng COVID- 19 pandemic sa mga estudyante, Teaching and Non- teaching personnel sa kanilang mental health dahil sa pressure ng adjustment sa tinatawag na new normal school at work arrangement.

Dati nang sinabi noon ng departamento na may nakalatag itong programa para sa mental health hindi lang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro at magulang at mayroong guidelines na inilabas ang central office kung paano ito gagawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *