SDO personnel ng DepEd pinagsusuot ng Modern Filipiñana at Barong Tagalog sa paggunita ng ika 125th Independence Day

CAMARINES NORTE- Pinagsusuot ng Modern Filipiñana ang mga kababaihan at Barong Tagalog naman ang mga kalakihang personnel ng Schools Division Office (SDO) ng Department of Education (DepEd) Camarines Norte para sa pagdiriwang ng ika- 125th Philippine Independence Day.

Batay ito sa inilabas na Division Memorandum No. 071 s. of 2023 nitong Miyerkules, May 24, ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla.

Ang design ng Barong Tagalog at Modern Filipiñana ay nakapaloob sa Memorandum.

Pinapadalo rin ang mga ito sa flag raising ceremony na gaganapin sa harap ng SDO building sa June 12 sa ganap na alas 7 ng umaga.

Nakapaloob naman sa naturang Memorandum na nire- require ang lahat ng eskwelahan na magsagawa ng simultaneous flag raising ceremony sa mismong araw ng kalayaan at mag- display ng Philippine Flag sa mga classroom, opisina at bawat tahanan ng teaching at non- teaching personnel  mula noong May 15 hanggang sa June 30.

Inaatasan din ang mga guro na isama sa classroom discussion ang tungkol sa Philippine flag awareness at mga significant events sa mga subject na History, Sibika at Kultura, HEKASI, Araling Panlipunan, EsP, MAPEH, Filipino at English kahit man lang isang beses sa isang linggo sa loob ng buong taon.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” na naglalayong gunitain ang heroism, patriotism, nationalism at sakripisyo ng mga Filipinong nakipaglaban para sa Kalayaan.

Layon din nitong itanim sa puso at isip ng mga kabataan ang kadakilaan ng lahing Filipino, legasiya ng mga bayani at ipakita ang pagkakaisa at lakas sa panahon ng matinding pagsubok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *