SDS Guemo pinatitiyak sa mga paaralan na mag- provide ng maayos at komportableng lugar kung saan maaaring kumain ang mga estudyante.

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga school head  na mag- provide ng  lugar kung saan maayos na makakakain ang mga estudyante.

Ayon kay Guemo batid naman ng lahat na maliit lang talaga ang mga school canteen kaya hindi magkakasya ang mga estudyante lalo na kapag oras ng lunch break kung kailan sabay- sabay na kumakain.

Pinatitiyak ng opisyal sa mga school head at guro na komportable ang mga bata at nai- enjoy ng mga ito ang pagkain.

Maaari umanong gamitin ang mga learning hub o kiosk kung saan sila pwedeng mag- stay ng ligtas at maayos na nakakain.

Bagamat mayroon naman talagang mas pinipili ang kumain sa mga lugar kung saan sila mas komportable tulad sa ilalim ng puno pero mainam pa rin aniya na masigurong ligtas ang mga bata.

Hinimok din ni Guemo ang mga school head at guro na palakasin pa ang programang “Gulayan sa Paaralan” at supplemental feeding program lalo sa elementary.

Ginawa ang pahayag na ito ng opisyal sa regular na programa ng Division Office na DepEd Hour.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *