SEA Games medalists, kikilalanin sa PSA Awards

Kabilang sa kikilalanin sa Annual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association ngayong Marso ang mga atletang nagwagi ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games.

Ang mga boxing Olympians na sina Eumir Felix Marcial at Rogen Ladon, kasama ang triple gold winners na sina Ana Nualla at Sean Aranar ng dancesports, at ang Gilas Pilipinas women’s team ay kabilang sa bibigyan ng special award.

Matatandaang, nakasungkit ang Pilipinas ng 52 gintong medalya sa Hanoi, Vietnam at tumapos sa ikaapat na puwesto sa biennial meet.

Samantala, sina Olympians Hidilyn Diaz, EJ Obiena, at Carlos Yulo, kasama ang iba pang SEA Games gold medal winners na sina Rubilen Amit, Meggie Ochoa, Carlo Biado, Johan Chua, at Vanessa Sarno, at sa halip ay makakakuha ng higher awards sa gala night.

Nauna nang inihayag bilang bahagi ng honor roll ng PSA ay ang tennis prodigy na si Alex Eala para sa President’s Award at ang late track great na si Lydia De Vega, na ilalagay sa PSA Hall of Fame.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *