Search and rescue operation para sa 4 na PCG personnel, ipinagpatuloy

Ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang kanilang search and rescue (SAR) operation para sa 4 na nawalang PCG rescures sa Cagayan.

Kaugnay rito, ginamit ng CGAF ang CGH-1451 sa pagsasagawa ng SAR mission.

Sinabi ng PCG na ang mga rescuer ay nawawala sa Cagayan River nitong July 26 habang tinutulungan ang kapitan ng MTUG Iroquois [EE-RUH-KWA], na inatake sa puso sa gitna ng Super Typhoon Egay.

Kung maaalala, narekober nitong July 30 ang aluminum boat na kanilang sinakyan sa katubigan ng Barangay Fuga sa Aparri, Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *