Search warrants laban sa Kapa valid – Court of Appeals

Idineklarang valid ng Court of Appeals ang search warrants na inisyu ng Manila RTC laban sa mga opisyal at miyembro ng Kapa-Community Ministry International, Inc. dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P50-bilyon Ponzi investment scheme.

Ang desisyon ay isinulat Associate Justice Mary Charlene Hernandez Azura.

Dahil sa deklarasyon ng validity ng search warrants, maaari nang magpatuloy ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon nito sa KAPA.

Ang warrants ay inilabas ng korte dahil sa petisyon ng NBI batay sa reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *