SEC Legazpi nagbabala sa pekeng investment ngayong pandemya

LEGAZPI-Pinaalalahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) Legazpi Extension Office ang publiko na maging mapanuri at huwag magpaloko o umanib sa mga entidad na walang sinusunod na malinaw o “transparent” na proseso ng pangangalap ng pondo lalo na kung wala itong mga kaukulang rehistro, lisensya, o akreditasyon mula sa Komisyon o sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Ito kasi ay dahil sa mga nakaabot na impormasyon sa nasabing komisyon na pagdami ng mga mapagsamantala sa panahon ng pandemya dahil ito ay kanilang nagagagamit upang makapang-enganyo o makapanloko sa publiko na sumali, mamuhunan o magbigay ng donasyon sa kanilang mga iligal o hindi awtorisadong gawain.

Dagdag pa nito, simula umano noong 2013 hanggang Hunyo 2021 ay 402 advisories ang naitala ng Komisyon laban sa mga entidad na walang rehistro, lisenya mula sa SEC upang mangalap ng investment sa publiko.

Kaugnay nito, pinag-iingat at binabalaan ang publiko na huwag magpaloko, siguraduhin na i-check muna sa SEC kung ito ay may rehistro at lisensya upang mangalap ng investment sa Publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *