Sec. Remulla tiniyak na walang makakaligtas sa imbestigasyon sa pamamaslang kay Gov. Degamo at 8 iba pa

Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang makakalusot o makakaligtas sa imbestigasyong ginagawa ng National Bureau of Investigation sa mga pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Noel Degamo at walong iba pa.

Ang pahayag ng DOJ chief ay bilang tugon sa tanong kung opisyal na bang iniimbestigahan ng gobyerno si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pagkamatay ni Degamo.

Ayon kay Remulla, nakarating na rin sa kaniya ang iba pang kaso ng pagkamatay sa Negros Oriental. Lumalabas aniya na may pattern ng impunity na isang bagay na bago sa DOJ chief.

Marami aniyang mga kasong naisampa sa mga nakaraang insidente na na-dismiss noon dahil hindi naasikaso ngunit hindi naman umano magiging doubole jeopardy sa bahagi ng akusado.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *