Security measures dahilan ng pagka-antala ng Philsys ID

Muling nagbigay ng paliwanag ang Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon kaugnay sa reklamo ng mga mamamayan dahil sa sobrang tagal na pagrelease ng kanilang National ID.

Sa panayam ng Brigada News kay PSA Sorsogon Chief Statistician Elvira Apogñol, sinabi nito na ang pinakadahilan ay wala sa mga PSA Branch kundi sa Central Office kung saan dumadaan sa masusing proseso ang beripikasyon ng lahat ng ID.

Aniya sa oras kasi na matapos ang pagcapture ng datos ng kanilang Biometric Information ay isusumite na nila ito sa Central Office para sa security measures upang matiyak na authentic o walang magiging kaparehas ang bawat ID para sa seguridad ng isang indibidwal at hindi umano ito biro dahil sa milyon-milyong impormasyon ang beniberipika ng PSA.

Pang-unawa naman ang hiling ng PSA sa lahat dahil ginagawa umano nila ang lahat upang mapabilis ang proseso ng pagrrerelease ng ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *