Security plan para sa special election bukas sa Tubaran Lanao del Sur nakalatag na

Tiniyak ng Commission on Election na ‘all systems go’ na ang isasagawang special election sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur bukas.

Ayon kay Comelec Deputy Exec. Dir. for Operations Teopisto Elmas, nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin sa pagsasagawa ng botohan kabilang na ang mga election paraphernalias katulad ng mga balota at mga vote counting machines.

Kasabay nito sinabi ni Elmas na nakalatag na rin ang security plan para matiyak na magiging mapayapa ang gaganaping halalan.

Aabot sa mahigit 1,000 security forces na binubuo ng 850 PNP members at 150 military personnel mula sa 103rd Brigade ng Philippine Army ang idi-deploy para magbantay sa seguridad.

Tinatayang nasa mahigit 6,000 na mga botante ang lalahok sa isasagawang special elections sa 12 barangay na may 15 clustered precincts sa bayan ng Tubaran.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.