Seguridad sa kalsada ng mga officials ng Supreme Court siniguro ng HPG sa Bar Exam dates sa Naga

NAGA CITY- Tiniyak ng Highway Patrol Group ang pagbabantay sa kaligtasan sa kalsada ng mga kawani at opisyal  ng supreme court sa Bar Examination sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCapt. Miguelio Borromeo , sinabi nitong mula sa Naga Airport na nasa Pili, nakaantabay ang HPG hanggang sa kung saan pupunta lalo na ang mga high ranking officials ng Korte Suprema.

Sa Naga City, ang Naga City Police Office ang  nangunguna katuwang ang public safety office at iba pang nasa incident management team sa seguridad ng examinees at ng publiko.

Naka standby ang mga ambulansya at medical team sakaling kailanganin ng mga kukuha ng exam.

Ang bar exam ay ang may pinaka mahigpit na protocols sa mga exams sa bansa ayon kay CDRRM Officer Erning Alcamel. Gagawin ang exam sa Nobyembre 9 o simula ngayong araw, sa 13, 16, at 20.

1948 nang buksan ang legal education sa UNC, pioneer sa Bicol Region. Mayroon na rin ngayon sa Ateneo De Naga University.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na kabilang ang Naga sa local venues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *