Seguridad sa kapitolyo ng So.Cot, hinigpitan; long firearms, bawal na

KORONADAL CITY- MAS hinigpitan pa ang seguridad sa kapitolyo ng South Cotabato pagkatapos nang nangyaring pamamaril-patay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na ikinasawi ng 8 iba pa.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na bawal na ang pagpapapasok ng mga long firearms sa compound ng provincial capitol.

Ang mga armas ng mga men in uniform ay dapat ding ideposit sa gate o guardhouse ng kapitolyo.

Napag-alaman na ang mga armadong lalaki na pumasok at at namaril sa bahay ni Governor Degamo ay nakasuot ng pixelated uniform at naka-full battle gear.

Samantala, inihayag ni Tamayo na wala naman umanong mga elected officials sa lalawigan na may banta sa buhay, ngunit kailangan pa rin aniya nga dobleng pag-iingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *