Seguridad sa pag host ng Camarines Sur sa coronation night ng Face of Beauty International plantsado; augmentation force nakalatag

NAGA CITY- Plinansta ng Lokal pamahalaan ng Camaligan , Camarines Sur at ng Camaligan Municipal Police Station kasama ang iba pang mga opisina ang seguridad sa paghost ng coronation night ng Face of Beauty International.

Ngayong taon ang Pilipinas ang host nito tema ang “Acts of Kindness”, nakapag ikot na sa ilang bahagi ng Bicol Region lalo na sa Camarines Sur ang 25 na mga kandidata, isa sa kanila ay Bicolana.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Louie Ordoñez, hepe ng Camaligan PNP sinabi nito na tatlong araw ang aktibidad nitong kahapon Marso 13 ang Public Presentation at Swimsuit Competition at sa Sabado Marso 18. Nasa Camaligan ang dinarayong floating restaurant at River Park.

Dahil kakaunti ang personahe ng Camaligan PNP, may augmentation force na ipinadala ang Camarines Sur Police Provincial Office na magbibigay ng seguridad hindi lamang sa mga kandidata kundi sa kanilang buong team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *