Seguridad sa QC Jail, hinigpitan matapos ang riot na ikinasawi ng isang PDL

Mas pinaigting pa ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa compound ng Quezon City Jail sa Kamuning matapos ang riot na nangyari dito kahapon na ikinasawi ng isang person deprived of liberty o PDL, at ikinasugat ng siyam na iba pa.

Itinalaga ang karagdagang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology Star Team at mga personnel ng SWAT team ng Quezon City Police District para bantayang maigi ang sitwasyon sa nasabing pasilidad.

Ito ay para masigurong hindi na madagdagan pa ang init sa pagitan ng mga gang na sangkot sa riot kahapon.

Matatandaang batay sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD Station 10, nagsimula ang gulo sa pagitan ng grupong Batang City Jail at Commando, at ng Bahala na Gang.

Ayon kay BJMP-NCR Spokesperson J/SInsp. Midzfir Omar, sa kasalukuyan ay nagpapaglaing pa sa East Avenue Medical Center ang siyam na mga PDLs na nasugatan sa insidente.

Sa ulat, nangyari ang riot pasado alas-trest ng hapon kahapon sa basketball couty kung saan, nagkaputukan umano ng sumpak ang mga PDLs.

Inatasan naman na ni QC Mayor Joy Belmonte ang QCPD na muling bisitahin ang mga protocol sa loob ng pasilidad para di na maulit pa ang mga ganitong uri ng insidente.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.