Seguridad sa SoCot. tutukan ng bagong provincial director

KORONADAL CITY- TUTUTUKAN ngayon ng panibagong Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office o SCPPO ang pagpapatuloy sa paghihigpit ng seguridad sa buong probinsya.

Ito ang inihayag ni Police Colonel Cydric Earl Tamayo sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Tamayo, nagpulong na ito kasama ang mga hepe ng bawat mga PNP station sa South Cotabato upang tutukan ang mga problema sa seguridad sa kani-kanilang area of responsibility.

Dagdag pa ni Tamayo, na na-obserbahan din nito na manageable and peace and order sa buong probinsya sa isang linggo pagkaka-upo nito.

Nanawagan naman ng suporta ang bagong provincial director sa publiko upang mapanatili ang ligtas na kumunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *