Sekyu may P280-M deposito sa bangko, misis may P179-M – Ombudsman

Ibinunyag ni Ombudsman Samuel Martires sa Senate Committee on Finance na mayroong isang security guard sa gobyerno na may pera sa bangko sa umaabot sa P280 milyon, habang ang misis naman umano nito ay mayroong P179-M, sa loob ng nakalipas na walong taon.

Ginawa ni Martires ang pagsisiwalat sa pagdalo niya sa pagdinig ng komite nitong Martes, kaugnay sa P4.781-bilyon na budget na hinihingi niya sa para ahensiya sa 2023.

Nabanggit ni Martires ang kuwento tungkol sa naturang multi-milyonaryong sekyu nang mapag-usapan ang tungkol sa usapin ng katiwalian sa gobyerno.

Hindi naman binanggit nito kung saang ahensiya ng gobyerno nakatalaga ang security guard, dahil ihahain pa lang nila ang kaso sa Sandiganbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *