Natunton ng tracker team ng Casiguran Municipal Police Station ang isang security guard na may kinakaharap na kaso sa Sorsogon sa Brgy Rosario Rodriguez, Montalban Rizal, Calabarzon.
Kinilala ang akusado na si Marlon Huerto Laguna, 42-anyos at naninirahan sa Brgy Boton, Casiguran, Sorsogon. Itinuturing din itong No. 7 most wanted person ng Casiguran MPS.
Si Laguna ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Comprehensive law on Firearms and Ammunition o RA 10591na sumasaklaw din sa RA 9516, RA 8294 at PD 1866 na may itinakdang piyansa na P120K.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 53, Sorsogon City.
Nag-ugat ang kaso ni Laguna noong taong 2021.
