Sekyu na nam-blackmail sa dating nobya gamit ang mga nude photos, arestado sa Lipa City

Arestado ang isang sekyu dahil sa pamba-blackmail umano sa dating nobya na kasalukuyang nasa abroad gamit ang pribadong larawan nito para mahuthutan ng pera sa Brgy. Bulacnin, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa CPS ang suspek na si Romel Sanchez Frane, 32 at residente ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, isinumbong ito sa mga awtoridad ng kapatid ng kanyang dating nobya dahil umano sa palagi nitong pananakot na ikakalat sa social media ang mga nude photos ng biktima sakaling hindi ito magpapadala ng pera.

Dahil dito na nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad noong Linggo, Oktubre 9 kung saan tuluyang naaresto ang suspek matapos na tumanggap ng pinadalang pera.

Narekober sa suspek ang 1,000 pesos na cash at isang cellphone na naglalaman ng mga nude photos ng biktima.

Nasa kustodiya na ng Lipa CPS ang suspek na mahaharap sa kasong Robbery extortion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *