Sekyu, nakuhaan ng di-lisensyadong shotgun

SORSOGON CITY – Tuluyan nang inaresto ng Donsol Police ang isang lalaki na na naisumbong ng isang concerned citizen na may dala-dalang mahabang baril sa Donsol, Sorsogon

Nabatid na ito ay isang security guard at nakilalang si John Orlie Quinones Clemente, 27-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Bororan ng nasabing bayan.

Una rito, nakatanggap ang himpilan ng pulisya ng sumbong hingil sa isang lalaki na may dalang mahabang baril sa Brgy Central.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nang lapitan nila ang suspek at hiningan ng legal na dokumento sa baril ay wala itong naipakita.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang 12-gauge shotgun na may serial n umber.

Sa pag-iimbestiga, nabatid na ang nasabing baril ay wala sa listahan ng Logistic Data Information and Management System (LDIMS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *