Patay ang isang security guard matapos na matamaan ng bala sa naganap na barilan sa pagitan ng mga pulis at hindi kilalang armadong suspek sa Caloocan City.
Kaagad binawian ng buhay ang biktima na si Ariel Clavido na security guard sa isang bangko.
Ayon sa Caloocan police, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng East Grace Park Sub-Station 2 pinara nila ang isang lalake dahil wala itong helmet na suot.
Gayunman, hindi pinansin ng suspek ang mga pulis at nagtangka pa itong tumakas.
Nakipagpalitan din siya ng putok sa mga pulis na naging dahilan kung bakit na tamaan ang security guard.
Sinubukan namang dalhin sa pinaka malapit na ospital ang security guard ngunit dineklara na itong dead on arrival.