Sekyu, sugatan matapos mabaril ng kaniyang baril na nahulog sa sahig sa Malay, Aklan

Sugatan ang kanang binti ng isang security guard matapos mahulog sa sahig ang kanyang caliver.38 service fire arm habang nasa duty sa isang establisimento sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Agad namang nirespondehan ng 2nd Aklan PMFC na naka duty sa hospital ang biktima.

Mabuti nalang at walang nasugatan na mga costumer sa insidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya ngng Malay MPS ang baril para sa tamang disposition.

Paalala ng PNP sa mga Security Agency na magkaroon ng regular na inspection sa mga tauhan at ipapatupad ang “4 Golden Rules of Gun Safety” para sa kaligtasan ng lahat. | via 89.3 BNFM KALIBO
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *