CAMARINES NORTE- Masayang binuksan ng lokal na pamahalaan ng daet ang selebrasyon ng buwan ng nutrisyon nitong lunes July 3, 2023 sa ginanap na regular Monday Flag Raising Ceremony sa bulwagang pambayan ng Daet, Camarines Norte.
Matatandaan na ang buwan ng nutrisyon ay taonang ipinagdidiwang sa bansa tuwing buwan ng hulyo sa itinakda sa Presidential Decree 491 simula noong 1974.
Ang tema ngayong taon ng naturang selebrasyon ay “𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝𝙮 𝘿𝙞𝙚𝙩 𝙂𝙖𝙬𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙛𝙛𝙤𝙧𝙙𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙁𝙤𝙧 𝘼𝙡𝙡.” Kung saan binigyang diin ang pangangailangan ng suporta sa mga pagsisikap na magbibigay-daan sa mga Pilipino na magkaroon ng higit sa malusog, ligtas, at abot-kayang pagkain.”
Ang pagsasabit ng mga banderetas para sa naturang selebrasyon ay ginanap sa Municipal Ground of Rural Health Unit I, II, and III kung saan ibinandera nito ang tema na “𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝𝙮 𝘿𝙞𝙚𝙩 𝙂𝙖𝙬𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙛𝙛𝙤𝙧𝙙𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙁𝙤𝙧 𝘼𝙡𝙡.”
Samantala, inihayag din ni Municipal Nutrition Action Officer, Anita P. Auro, ang iskedyul ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon.
