Selena Gomez itinangging dating sila ni Drew Taggart ng The Chainsmokers

Happily alone! ito ang tugon ni Selena Gomez sa mga ulat na nakikipag-date siya kay Drew Taggart ng The Chainsmokers.

Itinanggi ng songstress ang mga haka-haka sa pamamagitan ng isang mensahe na ipinost niya sa kanyang Instagram story.

Nag post si Gomez ng black-and-white snapshot ng isang kulay abong kalangitan ngunit agad rin niya itong tinanggal.

“I like being alone too much,” ang caption ni Gomez sa litrato at sinabing “#iamsingle.”

Kumalat ang impormasyong nagde-date ang dalawa matapos makitang  magkasamang nagbo-bowling sa New York City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *