Selena Gomez pinasalamatan ang suporta at pagmamahal ng kanyang fans

Nagpasalamat si Selena Gomez sa kanyang mga tagahanga sa patuloy na pagsuporta at pagpapadala ng pagmamahal sa pamamagitan ng social media, lalo na sa TikTok.

Nag-post si Selena ng “get ready with me” video sa TikTok na nagtatampok ng mga produkto mula sa kanyang brainchild brand na Rare Beauty.

Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng award-winning singer ang voiceover feature ng app at pinuri siya ng mga netizens dahil dito.

Sa ngayon, mayroon na itong 32.1 million viewers sa TikTok video at higit 7 million reactions.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *